Pages

Sunday, November 29, 2015

Long Weekend Rest

Long weekends ngayon, November 30,  2015 Monday is Bonifacio day. Mahaba-habang tulugan 'to, bihira lang dumating sa akin ang ganito. So far ngayong taon trice yata natapat ng Monday ang holiday. Magandang opportunity ito para makapahinga dahil one week na ako pinapahirapan ng sipon, pagod, stress na sumabay pa sa rheumatic heart disease ko. Perfect time to recharge and pull myself together.

Sakayan sa Baliwag Bus Station

Nung isang gabi may lumapit na lalaki sa akin sa blumentritt-lrt, nagtatanong kung saan ang sakayan papuntang baliwag bus station. Sabi ko sakay ka ng mcu na jeep, tapos baba siya ng 1st avenue sa kalookan. Itinuro niya yung jeep na mcu sabay sabing "diyan ba?" Sabi ko naman "oo", sabi naman niya "puno eh". Na-high blood na naman ako! Problema ko pa ba kung puno yung jeep? E di humanap siya ng maluwag siyempre, siya ang sasakay eh!